Saturday, July 26, 2014

Solusyon sa suliranin: Salitran II

Matapos ma-interview at malaman ang mga suliraning ikinakaharap ng Baranggay Salitran II, panahon naman ng aming grupo para umaksyon at masoluyunan ang mga suliraning ito kahit sa maliit na bagay man lang.

Anjonette (Dulong kaliwa), Kristel (Gitnang kaliwa), Gia (Gitnang kanan), at Bea (Dulong kanan)

Maraming suliranin ang nabanggit at marami din itong solusyon. Katulad na lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, pagtatanim ng mga puno, paggamit ng bisikleta at marami pang iba.
Ngunit naisipan nalang naming maglinis na lamang ng isang lugar kung saan maraming nakakalat na basura ngunit, bago muna iyon, kailangan muna naming maghanap ng malilinisang lugar.
Naglakad lang kami upang mas masubaybayan ang paligid at tama nga ang sinabi ng Brgy. Justice, isang malaking suliranin sa kanila ang mga nakakalat na basura lalo na ngayon ay katatapos lang ng bagyo.

Nakakalat kung saan-saan ang mga basura at bawat dinadaanan namin ay mayroon. Mahirap pumili ng lugar, at halimbawa na lamang ang mga ganito:



Napagkasunduan na lang namin na sa bahay na lamang ng kamag-anak ni Bea Espiritu ang aming lilinisan kung asan maraming basura ang nakakalat nang dahil sa bagyo.Pagkapunta namin doon, agad na bumungad sa amin ang mga nagbagsakang mga puno at ang mga bunga at sanga nito.


 Kahit alam naming nakakapagod ang isasagawa naming paglilinis, wala kaming choice kundi ang gawin ito =(







Bunga:
Naging maayos at matagumpay ang pagsasagawa namin ng proyekto tungo sa ikaayos ng aming pamayanan. Isinagawa namin ito sa loob ng 2 linggo at agad naman itong nakakitaan ng pagbabago. Naging maayos at mas kaaya-ayang tirahan ang lugar namin dulot ng mga pagbabagong ito.
Aminado ang lahat na ito'y talaga namang nakakapagod at kumakain ng oras ngunit hindi naman matatawaran ang naging resulta nito. Samakatuwid, isa ito sa mga karanasan na hindi malilimutan ng aming grupo sa aming buhay bilang estudyante sa ika-siyam na baitang.



This activity will help the community and will make it a better place. They say, "simple things, make a better change." Kaya, kahit maliit lang ang ginawa natin, it'll be a better help. Guys, teenagers, make the most out of it and start a better future! - Thomas Mariano

When in Salitran II


Naatasan kaming pumunta sa isang barangay upang tukuyin ang mga suliranin ng barangay na ito at magsagawa ng mga sulosyon para maayos ito. Kaya ang aming grupo ay pumunta sa Brgy. Salitran II, kung saan malapit sa bahay ng aming lider na si Bea Espiritu.


Una naming binisita ang barangay hall ng Salitran II upang mapagtanungan ang kanilang barangay captain ukol sa mga suliraning ikinakaharap ng kanilang barangay.

Pagkapasok namin ng barangay, sinalubong kami ng Barangay Justice. Tinanong namin kung pupwede kaming magpa-interview sa barangay captain ngunit sabi niya na siya at ang iba pa niya pa daw na mga kasamahan ay abala sa paglilinis ng creek malapit sa kanila. Kaya,  humingi na lamang kami ng saglit na interview galing sa kanya na isinagawa muli ni Bea Espiritu.

Ayon sa interview, Siya daw si Leil Sutacio, 53 years old, at more than 8 years ng naglilingkod sa  kanilang barangay (a/n: Loyal! xD). Ang kanilang mga suliranin daw ay ang trapiko katulad na lang doon malapit sa Cetral Mall, mga nakakalat na basura at ang pagbaha sa creek sa likuran ng kanilang barangay hall na ngayo'y nililinis na ng kanilang grupo. Wala naman daw siyang mabanggit na kanilang mga proyekto na naipatupad na, ipinapatupad, at ipapatupad pa, ngunit ngayon, isinasagawa na nila ang paglilinis ng creek at batay naman sa kanyang nakikita, ang mga sanhi ng mga suliraning ito ay sa kadahilanan na rin ng kawalan ng disiplina ng tao at kakulangan ng kaayusan sa kanilang barangay.

Matapos ang interview, nagpasalamat kami at nagkipag-kamay. At siyempre, kailangan ng picture kasama ang Brgy. Justice. =D










Kasama ang Brgy. Justice (sa kanang dulo) at ang kanyang kasamahan (sa kaliwang dulo).

Nakita rin namin ang barangay captain na naglilinis ng creek sa likod ng barangay hall, at natakot kami dahil tinanong kami kung bakit kami nasa loob at kung ano ang ginagawa namin. Isinagot naman namin ay nagpa-interview lang kami. Pinayagan naman kami at kinuhanan sila ng litaro habang naglilinis.

 Bago lumiban, kumuha rin kami ng mga litrato sa loob at labas ng barangay hall.