Una naming binisita ang barangay hall ng Salitran II upang mapagtanungan ang kanilang barangay captain ukol sa mga suliraning ikinakaharap ng kanilang barangay.
Pagkapasok namin ng barangay, sinalubong kami ng Barangay Justice. Tinanong namin kung pupwede kaming magpa-interview sa barangay captain ngunit sabi niya na siya at ang iba pa niya pa daw na mga kasamahan ay abala sa paglilinis ng creek malapit sa kanila. Kaya, humingi na lamang kami ng saglit na interview galing sa kanya na isinagawa muli ni Bea Espiritu.
Ayon sa interview, Siya daw si Leil Sutacio, 53 years old, at more than 8 years ng naglilingkod sa kanilang barangay (a/n: Loyal! xD). Ang kanilang mga suliranin daw ay ang trapiko katulad na lang doon malapit sa Cetral Mall, mga nakakalat na basura at ang pagbaha sa creek sa likuran ng kanilang barangay hall na ngayo'y nililinis na ng kanilang grupo. Wala naman daw siyang mabanggit na kanilang mga proyekto na naipatupad na, ipinapatupad, at ipapatupad pa, ngunit ngayon, isinasagawa na nila ang paglilinis ng creek at batay naman sa kanyang nakikita, ang mga sanhi ng mga suliraning ito ay sa kadahilanan na rin ng kawalan ng disiplina ng tao at kakulangan ng kaayusan sa kanilang barangay.
Matapos ang interview, nagpasalamat kami at nagkipag-kamay. At siyempre, kailangan ng picture kasama ang Brgy. Justice. =D
Kasama ang Brgy. Justice (sa kanang dulo) at ang kanyang kasamahan (sa kaliwang dulo). |
Nakita rin namin ang barangay captain na naglilinis ng creek sa likod ng barangay hall, at natakot kami dahil tinanong kami kung bakit kami nasa loob at kung ano ang ginagawa namin. Isinagot naman namin ay nagpa-interview lang kami. Pinayagan naman kami at kinuhanan sila ng litaro habang naglilinis.
No comments:
Post a Comment