Saturday, July 26, 2014

Solusyon sa suliranin: Salitran II

Matapos ma-interview at malaman ang mga suliraning ikinakaharap ng Baranggay Salitran II, panahon naman ng aming grupo para umaksyon at masoluyunan ang mga suliraning ito kahit sa maliit na bagay man lang.

Anjonette (Dulong kaliwa), Kristel (Gitnang kaliwa), Gia (Gitnang kanan), at Bea (Dulong kanan)

Maraming suliranin ang nabanggit at marami din itong solusyon. Katulad na lamang ng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, pagtatanim ng mga puno, paggamit ng bisikleta at marami pang iba.
Ngunit naisipan nalang naming maglinis na lamang ng isang lugar kung saan maraming nakakalat na basura ngunit, bago muna iyon, kailangan muna naming maghanap ng malilinisang lugar.
Naglakad lang kami upang mas masubaybayan ang paligid at tama nga ang sinabi ng Brgy. Justice, isang malaking suliranin sa kanila ang mga nakakalat na basura lalo na ngayon ay katatapos lang ng bagyo.

Nakakalat kung saan-saan ang mga basura at bawat dinadaanan namin ay mayroon. Mahirap pumili ng lugar, at halimbawa na lamang ang mga ganito:



Napagkasunduan na lang namin na sa bahay na lamang ng kamag-anak ni Bea Espiritu ang aming lilinisan kung asan maraming basura ang nakakalat nang dahil sa bagyo.Pagkapunta namin doon, agad na bumungad sa amin ang mga nagbagsakang mga puno at ang mga bunga at sanga nito.


 Kahit alam naming nakakapagod ang isasagawa naming paglilinis, wala kaming choice kundi ang gawin ito =(







Bunga:
Naging maayos at matagumpay ang pagsasagawa namin ng proyekto tungo sa ikaayos ng aming pamayanan. Isinagawa namin ito sa loob ng 2 linggo at agad naman itong nakakitaan ng pagbabago. Naging maayos at mas kaaya-ayang tirahan ang lugar namin dulot ng mga pagbabagong ito.
Aminado ang lahat na ito'y talaga namang nakakapagod at kumakain ng oras ngunit hindi naman matatawaran ang naging resulta nito. Samakatuwid, isa ito sa mga karanasan na hindi malilimutan ng aming grupo sa aming buhay bilang estudyante sa ika-siyam na baitang.



This activity will help the community and will make it a better place. They say, "simple things, make a better change." Kaya, kahit maliit lang ang ginawa natin, it'll be a better help. Guys, teenagers, make the most out of it and start a better future! - Thomas Mariano

No comments:

Post a Comment